Sa pagsisimula ng paglaganap ng mga tao sa iba't-ibang panig ng mundo, maraming mga bagay at mga kultura ang nabuo. Isa na rito ang pagkakaroon ng mga wika na ginagamit pa rin ang iba hanggang sa ngayon at ang iba naman ay unti-unti na o tuluyan nang naglaho. Agrikultura rin ang isa sa mga bagay na sumibol sa mga sinaunang panahon at naging basehan natin para mas amging masagana ang bawat ani natin. Kaya mahalagang malaman natin kung kailan nga ba nagsimula ang pag-usbong ng mga kultura, ang pagkakatuklas ng mga bagay sa ating mundo at kung paano tayo nakarating sa kinalalagyan natin sa ngayon mula sa mga kulturang naipasa ng ating mga ninuno. Ngayon ay ipapakita ko sa inyo ang mga yugtong tinahak ng ating mga ninuno na nagdulot ng pagsisimula sa ating pag-unlad na mga tao.

Panahong Paleolitiko

Ito ang kauna-unahang yugto kung saan sumibol ang pagkakayari ng mga bagay na galing sa bato. Nanggaling ang salitang paleolitiko sa salitang griyego na palaois(luma) at lithos(bato). Mula sa salitang ito ay malalaman natin na ang mga bagay na ginagamit sa panahong ito ay mga luma at magaspang na bato. Dito rin nag-umpisa ang pangangaso at pagkakatuklas sa apoy.

Panahong Neolitiko

Galing sa salitang griyego na neo(bago) at lithos(bago) na simula ng paggamit ng mga sinauang tao ng mga makikinis na bato para sa kanilang mga kagamitan. Dito nagsimulang umunlad ang kaalaman ng tao sa agrikultura at bumuo ng sariling tahanan.

Panahong Metal

Nagsimula noong 5000 B.C.E  at nagsilbing rebolusyon tungo sa paggamit ng tao ng mas matitibay na mga kasangkapan tulad ng tanso at bronze. Dito rin nagsimula ang paggamit ng mga tao ng mga kasangkapang pandigma at pagkakatuklas ng mga sasakyang de gulong na nakatulong sa pang araw-araw na pamumuhay tulad ng pagsasaka pati na rin sa pakikidigma kasama ang mga pinaamong hayop.



Mga Komento