Mga Post

 Sa pagsisimula ng paglaganap ng mga tao sa iba't-ibang panig ng mundo, maraming mga bagay at mga kultura ang nabuo. Isa na rito ang pagkakaroon ng mga wika na ginagamit pa rin ang iba hanggang sa ngayon at ang iba naman ay unti-unti na o tuluyan nang naglaho. Agrikultura rin ang isa sa mga bagay na sumibol sa mga sinaunang panahon at naging basehan natin para mas amging masagana ang bawat ani natin. Kaya mahalagang malaman natin kung kailan nga ba nagsimula ang pag-usbong ng mga kultura, ang pagkakatuklas ng mga bagay sa ating mundo at kung paano tayo nakarating sa kinalalagyan natin sa ngayon mula sa mga kulturang naipasa ng ating mga ninuno. Ngayon ay ipapakita ko sa inyo ang mga yugtong tinahak ng ating mga ninuno na nagdulot ng pagsisimula sa ating pag-unlad na mga tao. Panahong Paleolitiko Ito ang kauna-unahang yugto kung saan sumibol ang pagkakayari ng mga bagay na galing sa bato. Nanggaling ang salitang paleolitiko sa salitang griyego na palaois (luma) at lithos (bato). Mul...